dzme1530.ph

SENADO, ALL SYSTEMS GO NA PARA SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

Loading

TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na all systems go na ang Senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula sa Lunes, July 6.
 
Kahapon nagsagawa ng inspeksyon si Gatchalian sa session hall at iba pang mga silid na gagamitin para sa impeachment proceedings.
 
Nakita ng Senate leader ang ayos ng mga mesa at upuan sa session hall kung saan idaraos ang impeachment trial.
 
Ininspeksyon din niya ang mga kwarto na gagamitin ng mga abogado ng prosecution, ng depensa, ng media at mga bisita.
 
Sa session hall, hanggang 150 lamang ang maaaring papasukin kaya hindi mapagbibigyan ang lahat ng nagre-request na makapanood ng live gaya ng civil society groups.
 
First come first serve policy ang paiiralin at lahat ng papasok ay kailangang magrehistro sa visitor management system.

About The Author