dzme1530.ph

SEN. PING LACSON, TIWALANG HINDI MAGPAPADALA SA PRESSURE NG INC SI OMBUDSMAN BOYING REMULLA

Loading

TIWALA si Senador Panfilo Ping Lacson na hindi magpapaimpluwensya si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa aktibidad ng Iglesia ni Cristo na sumusuporta kay Senador Rodante Marcoleta.
 
Sinabi ni Lacson na kilala si Remulla na palagiang tough o matigas kaya’t hindi basta bibigay sa pagtitipon at tuloy pa rinng isasampa ang kasong plunder laban kay Marcoleta.
 
Aminado naman si Lacson na maaring magdulot ng abala ang pagkilos ng INC subalit kumpiyansa siyang tutugunan ito ng mga tauhan ng Philippine National Police.
 
Isinagawa ang pagtitipon matapos ianunsyo ng Ombudsman na sasampahan na ng kasong plunder si Marcoleta.
 
May kaugnayan ito sa pagtanggap ng senador ng P75 million na campaign donation na inamin niyang hindi niya idineklara sa kanyang statement of contributions and expenses.

About The Author