![]()
MAHIGPIT na binabantayan ng PNP at AFP ang ongoing rally sa EDSA, kasabay ng paghimok sa mga raliyista na panatilihing mapayapa at maayos ang kanilang pagtitipon.
Tiniyak ng PNP ang “maximum tolerance” na ipinatutupad ng kanilang mga tauhan na idineploy sa EDSA at iba pang key areas, gaya sa People Power Monument, EDSA Shrine, Senate of the Philippines, Mendiola, Ayala Bridge, US Embassy, at Liwasang Bonifacio.
Binigyang-diin naman ng AFP na lahat ng pampublikong aktibidad ay dapat isagawa, alinsunod sa mga umiiral na batas at local regulations, at dapat mayroong permit mula sa mga awtoridad.
Ginarantiyahan din ng AFP na ang kanilang non-partisan institution ay nananatiling committed sa pagsuporta sa mga hakbangin na magpapatatag sa kapayapaan, public safety, at rule of law.
