dzme1530.ph

ISANG HVI, ARESTADO SA DRUG BUST NG PDEU ZAMBALES; PHP 463K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM

Loading

IBA, ZAMBALES – Isang High Value Individual (HVI) ang magtatapos ng buwan ng Hunyo sa likod ng rehas matapos ang matagumpay na anti-illegal drugs operation na isinagawa ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU) noong gabi ng Hunyo 29, 2026, sa bayan ng Iba, Zambales.

Ayon kay P/Col. Benjamin P. Ariola, Provincial Director, muli niyang ipinaalala ang kanyang direktiba na hulihin at sampahan ng kaso ang mga taong nagpapakalat ng ilegal na droga sa loob ng lalawigan.

Agad na kumilos ang PDEU Zambales sa ilalim ng pamumuno ni P/LtCol. Nelson G. Buhong upang magsagawa ng planadong operasyon kontra droga laban sa isang HVI na nadatnan sa Barangay Sta. Barbara, Iba, Zambales.

Nasakote ang suspek at nakumpiska ng mga awtoridad ang 68.13 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na PHP 463,284.00 batay sa Standard Drugs Price.

“Tinatapos natin ang buwan ng Hunyo na may kasiguruhan na isa na namang indibidwal na nagkakalat ng droga sa ating lalawigan ang naalis sa lansangan. Pagsisikapan nating lalo pang paigtingin ang ating mga operasyon sa mga darating na buwan,” pahayag ni Ariola.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng PDEU upang matukoy ang iba pang posibleng koneksyon ng suspek sa mas malaking drug network sa rehiyon.

About The Author