![]()
UMAPELA si Senate President Sherwin Gatchalian sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na nagtitipon sa EDSA People Power Monument na respestuhin ang mga nagpapatuupad ng batas.
Sinabi ni Gatchalian na nirerespeto nila ang karapatan ng mga raliyista na magpahayag ng kanillang saloobin subalit dapat magpakita rin sila ng pagrespeto sa batas.
Kasabay nito, iginiit ni Gatchalian na premature pa para sa kanya na magkomento sa mga impormasyon na sasampahan ng kasong plunder si Senador Rodante Marcoleta kaugnay sa pagtanggap niya ng P75 million na campaign donation.
Binanggit ng senate leader na wala pa namang kaso kaya mahirap magbigay ng pahayag hinggil dito.
