dzme1530.ph

EDUKASYON, PINAKAMAHALAGANG MAIBIBIGAY SA KABATAAN, AYON KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng edukasyon, at sinabing ito ang isa sa pinakamahalagang serbisyong maibibigay ng pamahalaan sa kabataan.
 
Ayon sa Pangulo, ang edukasyon ay hindi pribilehiyo kundi isang karapatan, kaya mahalagang matiyak ang dekalidad na pagsasanay at pagkatuto ng bawat mag-aaral.
 
Ginawa ni Marcos ang pahayag nang makaharap niya ang mga Presidential Scholars na sinusuportahan ng Socio-Civic Project Fund sa ilalim ng programang “Bawat Bayan Makikinabang: Sulu Program” sa Sultan Jamalul Kiram Central School sa Barangay Lawm, Sulu.
 
Pinayuhan din ng Pangulo ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang pag-aaral dahil anuman ang mangyari sa kanilang buhay, mananatili ang kaalamang kanilang natutuhan sa paaralan at magiging malaking tulong ito sa kanilang kinabukasan at kabuhayan.

About The Author