dzme1530.ph

MATTEO GUIDICELLI, NAGTAPOS NG LEADERSHIP DEVELOPMENT PROGRAM SA HARVARD BUSINESS SCHOOL

Loading

May bagong achievement na na-unlock si Matteo Guidicelli matapos makumpleto ang Program for Leadership Development (PLD) sa Harvard Business School.
 
Sa Instagram, ibinahagi ng actor-businessman ang kanyang bagong milestone sa pamamagitan ng pag-post ng mga larawan mula sa kanyang completion ceremony.
 
Kabilang dito ang kanyang larawan sa labas ng Harvard Business School at close-up photo ng kanyang completion certificate.
 
Sinabi ni Matteo na, “Mission accomplished, but the mission always continues.”
 
Inilarawan naman ng aktor ang anim na buwang leadership program bilang isang “journey marked by case studies and sleepless nights.”
 
Pinasalamatan din ni Matteo ang kanyang pamilya at ang kanyang misis na si Sarah Geronimo sa patuloy na suportang ibinigay sa kanya sa buong programa.

About The Author