dzme1530.ph

KINSE ANYOS NA SHOOTER SA TACLOBAN SCHOOL, NAKITAAN NG DISCERNMENT O PAG-UNAWA, AYON SA DSWD CHIEF

Loading

Nagpakita ng discernment o pag-unawa ang 15-anyos na estudyanteng nasa likod ng malagim na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
 
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, batay sa paunang assessment, alam ng naturang estudyante ang kanyang ginagawa.
 
Aniya, daraan pa rin ang findings sa legal na proseso, kung saan ibeberipika ng korte kung sumasang-ayon ito sa isinagawang assessment ng mga social worker.
 
Idinagdag ni Gatchalian na hinihintay pa nila ang resulta ng psychological assessment na isinagawa sa 15-anyos at 14-anyos na mga suspek.
 
Gagamitin ang mga resulta sa pagbalangkas ng angkop na intervention plan para sa dalawang teenager na sangkot sa insidente na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng dalawampu pa.
 
Nauna nang sinampahan ng criminal complaint ang 15-anyos na suspek, habang ang 14-anyos ay exempted sa criminal liability alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act.

About The Author