![]()
Dalawa ang nasawi habang isa pa ang sugatan nang mag-collapse ang isang hinuhukay na project site ng Maynilad sa Barangay Pamplona Dos, Las Piñas City.
Ayon kay Fire Superintendent Sonny Carlo, City Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection–Las Piñas, narekober ang bangkay ng dalawang biktima kaninang umaga.
Tatlo pang manggagawa ang nakaligtas, habang ang nasugatan ay agad na dinala sa ospital.
Sinabi ni Las Piñas City Police Assistant Chief of Police for Operations, Police Lt. Col. Teoson Rosarito, na halos 18 metro ang lalim ng hinuhukay ng mga manggagawa nang bigla itong mag-collapse kaya na-trap ang lima.
Kinumpirma naman ng water concessionaire na Maynilad ang insidente, kasabay ng pagtiyak na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang contractor upang maibigay ang nararapat na tulong sa mga pamilya ng mga biktima.
