dzme1530.ph

BUDGET UTILIZATION RATE NG OFFICE OF THE VICE PRESIDENT NOONG 2025, NAITALA SA 92.32 PERCENT

Loading

Umabot sa 92.32 percent ang budget utilization ng Office of the Vice President noong 2025.
 
Batay sa 2025 Annual Report, umabot sa ₱913.243 milyon ang naobligang pondo ng tanggapan ng pangalawang pangulo.
 
Naitala rin ng OVP ang 81 percent disbursement rate, o pagpapalabas ng pondo para sa aktwal na implementasyon ng mga programa.
 
Kasabay nito, nakatanggap ang OVP ng Very Satisfactory rating sa 2024 Annual Performance Review ng Department of Budget and Management.
 
Ipinagmalaki ng OVP na bunsod ito ng maayos na financial planning, maingat na fiscal management, at mahigpit na pagsunod sa financial controls para sa transparency at accountability sa paggamit ng pondo.

About The Author