dzme1530.ph

P2.5 MILYONG FINANCIAL ASSISTANCE, IPINAGKALOOB NG SENATE MAJORITY BLOC SA MGA APEKTADO NG LINDOL

Loading

KABUUANG ₱2.5 milyong cash assistance, bukod pa sa mga sako ng bigas, ang ipinamahagi ng mga miyembro ng Senate Majority Bloc sa mga apektado ng lindol sa General Santos City at Sarangani.
 
Ayon kay Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian, ₱1.5 milyon ang ibinigay nila sa Sarangani habang ₱1 milyon naman sa General Santos.
 
Gayunman, tiniyak na simula pa lamang ito ng kanilang tulong dahil personal na rin nilang inaalam ang iba pang pangangailangan ng mga apektado ng lindol.
 
Nangako si Gatchalian kasama sina Senators Migz Zubiri, JV Ejercito at Erwin Tulfo na isusulong nila sa panukalang 2027 budget ang pondo para sa repair at rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura.
 
Iginiit pa ni Gatchalian na kaisa sila sa pagtiyak na ang national resources ng bansa ay mabilis na magagamit upang maibalik ang normal na pamumuhay, makumpuni ang mga mahahalagang imprastraktura, at matulungan ang bawat apektadong pamilya na makabangon sa lalong madaling panahon.

About The Author