dzme1530.ph

PAGDIRIWANG NG ARAW NG KALAYAAN NGAYONG BIYERNES, BABANTAYAN NG 90,000 NA TAUHAN NG PNP

Loading

Halos 90,000 na mga tauhan ng PNP ang ipinakalat sa buong bansa ngayong Araw ng Kalayaan.
 
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., simula kahapon ay naka-full alert status ang kanilang pwersa para sa selebrasyon ng Independence Day.
 
Sa naturang bilang, 16,000 ang dineploy sa Metro Manila para magbantay sa mga pangunahing convergence points at mga kritikal na lugar.
 
Kabilang sa mga pinababantayan ni Nartatez ang Rizal Park, mga historic monument, government facilities, transport terminals, mga pangunahing lansangan, at mga lugar na madalas pagdausan ng pagtitipon.
 
Pinaigting din ang border control checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa.
 
Tiniyak ni Nartatez ang kahandaan ng PNP upang maging mapayapa at ligtas sa lahat ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

About The Author