dzme1530.ph

MEDICAL EXPENSES NG MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO, SASAGUTIN NG KAMARA

Loading

Nangako si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga quake-hit victims sa Mindanao na sasagutin ng Kamara ang gastusin sa kanilang medical expenses.
 
Ginawa ni Dy ang pahayag nang pangunahan nito ang pagbisita sa General Santos City at Sarangani Province para i-assess ang pinsalang iniwan ng magnitude 7.8 na lindol.
 
Bukod sa libreng medical treatment sa government at private hospitals, tiniyak din ni Dy ang iba pang tulong para sa community recoveries.
 
Una itong nakipagpulong sa mga lokal na opisyal at regional agency heads upang matukoy ang immediate at long-term measures para alalayan ang mga apektadong komunidad.
 
Bukod sa hospital at airport sa General Santos City na ininspeksyon ni Dy, titingnan din nito ang fish port na pangunahing kabuhayan ng mga taga-General Santos at Sarangani.
 
Tiniyak nito na sa budget season, gagamitin nila ang mga nakitang pinsala upang mabigyan ito ng tamang pondo.

About The Author