dzme1530.ph

DEATH TOLL SA 7.8 MAGNITUDE NA LINDOL SA MINDANAO, UMAKYAT NA SA 47

Loading

Umakyat na sa 47 ang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo, umabot na rin sa 688 ang nasugatan habang 31 pa ang nawawala.
Kinumpirma rin ni Castillo na nahihirapan pa rin ang mga responders na maabot ang mga biktima ng lindol sa bayan ng Glan sa Sarangani dahil marami pa ring kalsada ang sarado.
Una nang iniulat ng lokal na pamahalaan ng Glan na nasa sampung barangay pa ang hanggang ngayon ay isolated pa rin.
Samantala, umakyat na sa 2,980 na aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon sa PHIVOLCS, may 61 na aftershocks na malakas pa rin at naramdaman ng mga tao.
Pinakamalakas pa ring naitala simula noong Lunes ang umabot sa magnitude 6.4.
Inaasahan ng PHIVOLCS na tatagal pa ng ilang linggo ang mga aftershocks.

About The Author