![]()
Magpapatupad ng dagdag-singil ang Meralco para sa konsumo sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.
Sa advisory ng Meralco, dagdag na 0.15 centavos per kilowatt-hour ang aasahan ng mga consumers sa June billing.
Ito ay bunsod ng pagsipa ng generation charges dahil sa serye ng yellow at red alert sa Luzon Grid noong Mayo.
Katumbas ito ng ₱30 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatts; ₱45 sa 300 kilowatts; ₱60 sa 400 kilowatts; at ₱75 sa 500 kilowatts.
