![]()
Muling makakasama ng South Korean actor na si Byeon Woo-seok ang kanyang Filipino fans sa October.
Bahagi ito ng kanyang 2026 Asia fan meeting tour na “The Secret Library.”
Batay sa anunsyo ng kanyang agency na Varo Entertainment, itinakda ang Manila fan meeting ni Woo-seok sa Oct. 10 sa SM Mall of Asia Arena.
Magsisimula ang tour sa Seoul sa July 4 at 5 bago tumuloy sa Bangkok, Yokohama, Singapore, Taipei, Manila, Jakarta, at Hong Kong.
Ang nakatakdang pagbabalik ng South Korean actor ay kasunod ng kanyang pagbisita sa Pilipinas nang ganapin ang “Daydreamin” Manila fan meeting noong July 2025.
Sumikat si Woo-seok sa pamamagitan ng 2024 romantic drama na “Lovely Runner” at bumida kasama si IU sa “Perfect Crown.”
