![]()
Inter-agency approach ang ipinatutupad ng gobyerno laban sa creeping invasion ng China sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na magkakatuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paglalatag ng mga hakbangin sa pakikipaglaban sa China.
Sa hanay anya ng Navy, may iba’t ibang hakbangin din silang ipinatutupad upang protektahan ang teritoryo ng bansa.
