dzme1530.ph

PAGDINIG NG SENADO SA FLOOD CONTROL MESS, TULOY SA LUNES

Loading

Kasado na ang gagawing pagdinig ni Senador Erwin Tulfo sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects sa Lunes.
 
Imbitado sa pagdinig ang may 20 personalidad na pinadalhan na ng imbitasyon ng kumite at pinahaharap sa Lunes, mula alas-9 ng umaga.
 
Kabilang sa mga pinadadalo si dating House Speaker Martin Romualdez, Ombudsman Jesus Crispin Remulla at NBI Director Atty. Melvin Matibag.
 
Imbitado rin ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways, Department of Justice, Department of Budget and Management gayundin ang 18 mga dating sundalo na nagpakilalang bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co at si dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.
 
Ang imbitasyon para kay Romualdez ay idinaan kay House Speaker Faustino Dy at hiningi rin ang permiso ng Sandiganbayan para naman kay Hernandez.
 
Sinabi ni Tulfo na bukas ang pagdinig sa lahat ng miyembro ng Senado na nais ding magtanong sa mga resource persons.

About The Author