dzme1530.ph

SEN. ALAN CAYETANO, INALOK NA BUMABA BILANG SENATE PRESIDENT PERO MANANATILING PRESIDING OFFICER NG IMPEACHMENT COURT

Loading

Kinumpirma ni Senador Alan Peter Cayetano na inalok siya na bumaba sa puwesto subalit siya pa rin ang presiding officer ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Cayetano na sa alok sa kanya, tiniyak na magiging presiding officer siya ng impeachment subalit kailangan niyang bumaba bilang Senate President.
 
Bukas naman si Cayetano sa pagsasagawa ng special session kung sakaling may makuha nang 13 ang mayorya at ihalal na si Senador Win Gatchalian bilang Senate President.
 
Una nang tiniyak ni Cayetano na agad bibitiwan ang posisyon kung may makapagpapakita sa kanya na may 13 boto na mula sa mga senador ang papalit sa kanya.

About The Author