![]()
NAIREFER na sa Senate Committee on Rules ang resolusyon ng limang senador na humihikayat kay Senador Ronald Bato dela Rosa na sumuko na sa mga awtoridad.
Gayunman, wala pang katiyakan kung ano ang magiging aksyon ng kumite sa resolusyon.
Ang Senate Resolution 395 ay inihain nina Senate Minority Leader Tito Sotto, Senators Panfilo Lacson, Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Kiko Pangilinan.
Hinihikayat sa resolusyon si dela Rosa na sumuko sa proper authorities at kumuha ng judicial remedies sa gitna ng kinakaharap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court.
Hiling din sa resolusyon na pagtibayin ng Senado ang commitmet sa konstitusyon, rule of law, at sa prinsipyo ng accountability na dapat umiral sa lahat ng public officials.
Kapag naipasa sa Committee on Rules ang resolusyon, magdedesisyon ang kumite kung tatalakayin sa plenaryo ang resolusyon o irerefer sa ibang kumite.
Subalit dahil hindi pa nabubuo ang committee on rules dahil sa pagbabago ng liderato, ay hindi pa maaksyunan ang resolusuyon.
