dzme1530.ph

JOSHUA GARCIA, PRAYORIDAD ANG KANYANG PEACE OF MIND

Loading

Sa kanyang sampung taon sa showbiz, inamin ni Joshua Garcia na prayoridad niya ang kanyang peace of mind, sa lahat ng oras.
 
Sa press conference, sinabi ng aktor na magulo ang industriya, at hindi lahat ng nasa paligid mo ay nandoon para sa’yo.
 
Kaya ngayon aniya ay pino-protektahan niya ang kanyang sarili at ang mga taong nagpapahalaga sa kanya nang totoo.
 
Inamin ni Joshua na natutunan din niyang alamin kung aling bahagi ng kanyang buhay ang dapat niyang sarilinin dahil simula aniya sa PBB o Pinoy Big Brother ay parang bukas na libro ang kanyang buhay at wala siyang maitatago.
 
Sa kabila naman nito, tinanggap ng aktor na wala na siyang magagawa dahil ito ang pinasok niyang trabaho at kailangan niya itong mahalin para tumagal sa entertainment industry.

About The Author