![]()
Posibleng ipatawag ng National Bureau of Investigation si Senador Robinhood Padilla kaugnay sa pagsisiyasat sa pagkawala ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, makikipag-ugnayan muna sila sa Department of Justice bago mag-isyu ng subpoena o imbitasyon.
Sinabi ni Matibag na kapag malinaw na ang instruction sa kanila ay ipapatawag nila ang mga dapat ipatawag.
Bukod aniya kay Padilla, aalamin din nila ang iba pang indibidwal na posibleng magbigay linaw sa pagkawala ni dela Rosa.
Si Padilla ang unang ipatatawag dahil siya ang huling nakasama ni dela Rosa.
Gayunman, binigyang-diin ni Matibag na maaaring hindi na hintayin ni Padilla ang formal summons at puwede na siyang magboluntaryong makipagtulungan sa imbestigasyon.
