![]()
Kinumpirma ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na sa kanya mismo nagmula ang ideya na isulong si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President.
Sinabi ni Sotto na mali ang mga nagsasabi na nananahimik siya sa isyu ng Senate leadership dahil siya ang nagsabi na si Gatchalian ang dapat na pumalit na lider ng Senado.
Nang tanungin naman kung maaasahan ngayong araw na ito ang muling pagpapalit ng Senate President, sinabi ni Sotto na depende ito.
Samantala, tiniyak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na nagkakaisa ang Solid Bloc 11 o SB 11 sa pagsuporta kay Gatchalian bilang Senate President.
Wala aniya silang ibang nais na maging Senate leader kundi si Gatchalian lamang.
