dzme1530.ph

INTELLIGENCE GATHERING NG PULISYA, DAPAT PAIGTINGIN SA PAGTUGIS KAY SEN. RONALD DELA ROSA

Loading

PINAYUHAN ni Senador Panfilo Ping Lacson ang mga awtoridad na paigtingin ang paghahanap nila kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na kanya namang pinayuhang galingan ang pagtatago.
 
Sinabi ni Lacson na dapat pagbutihan pa ng mga awtoridad ang kanilang intelligence gathering upang magtagumpay sa pagpapatupad ng batas.
 
Binigyang-diin ni Lacson na dapat gawin ng mga law enforcers ay almusal, tanghalian, hapunan at merienda ng intelligence gathering upang mas maging maayos ang pagganap sa tungkulin.
 
Pinuna rin ng dating hepe ng Pambansang Pulisya ang naging diskarte ng National Bureau of Investigation na dalawang babaeng ahente ang pinagtangkang umaresto kay dela Rosa.
 
Sinabi ni Lacson na kung matipunong tao ang aarestuhin, dapat tapatan din ito ng matitipunong alagad ng batas.

About The Author