![]()
Umakyat na sa dalawa ang kumpirmadong nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga.
Ito’y matapos ma-rekober ng emergency responders ang bangkay ng lalaking biktima, pasado alas dose kaninang madaling araw, mula sa site ng nag-collapse na building sa Barangay Balibago.
Una nang kinumpirma na isang Malaysian national ang nasawi matapos ma-trapped sa isang apartelle na katabi ng gumuhong gusali.
Narekober din ang labi ng dayuhan mula sa pinangyarihan ng pagguho.
Sa kasalukuyan, 26 mula sa 47 na mga biktima ang nailigtas habang 18 na iba pa ang nawawala.
Karamihan sa mga biktima ay pinaniniwalaang construction workers.
