![]()
IGINIIT ni Senador Bam Aquino na hindi dapat tumigil ang pakikipaglaban para sa edukasyon sa gitna ng mga isyu sa pulitika.
Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng pagpapaalam at pasasalamat sa ilang buwang panunungkulan bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education kung saan niya inilatag ang 7 point agenda upang tugunan ang krisis sa edukasyon.
Kasabay nito ay nakatanggap ng pasasalamat si Aquino mula kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagos sa pagtiyak ng makasaysayang P1.34-trilyong pondo para sa edukasyon sa 2026 national budget.
Ipinaabot ni Domagoso ang kanyang pasasalamat kay Aquino matapos ihayag ng senador ang pagpapatayo ng 600 bagong silid-aralan sa siyudad na popondohan ng 2026 national budget.
Kabilang naman sa national budget para sa edukasyon ang P67.9 bilyon para sa pagpapatayo ng 25,000 silid-aralan upang makatulong na matugunan ang kakulangan na 166,000 classrooms sa bansa.
Inilarawan ni Domagoso si Aquino bilang isang masipag at matalinong mambabatas na nakatuon sa pagpapalakas ng sistema ng edukasyon ng bansa.
Inulit din ng alkalde ng Maynila ang panawagan ni Aquino sa mga lider na isantabi ang pagkakaiba sa pulitika at ituon ang pansin sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.
