![]()
Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa produktong petrolyo, epektibo bukas ng umaga.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ₱2.28 ang dagdag sa bawat litro ng diesel habang ₱1.21 sa kada litro ng gasolina.
Mababawasan naman ng ₱2.21 ang bawat litro ng kerosene.
Una nang tiniyak ng kalihim na nagpapatuloy ang pagbabantay nila sa mga kumpanya ng langis upang matiyak na walang pag-abuso.
