dzme1530.ph

MGA PULITIKO, HINIMOK NA MAGING KALMADO UPANG MAPANGALAGAAN ANG EKONOMIYA

Loading

HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga pulitiko na maging kalmado at iwasan ang hindi magandang diskurso upang mapangalaan ang ekonomiya at maibalik ang tiwala ng mga investors sa gitna ng mainit na ingay sa pulitika.
 
Sinabi ni Gatchalian na muling bumaba ang piso sa record low na P61.721 laban sa U.S. dollar sa pagsasara ng merkado noong Biyernes.
 
Ang epekto anya ng lahat ng ingay na ito sa politika ay malinaw na makikita sa naging performance ng piso laban sa dolyar.
 
Bagamat nakakaapekto din ang external factors, binabanggit ng mga analysts ang ‘uncertainty premium’ na isinisisi sa mga tensiyon sa politika.
 
Idinagdag pa ng senador na ang kasalukuyang sitwasyong pampolitika ay nagpapahina sa tiwala ng mga mamumuhunan sa rehiyon at sa buong mundo.
 
Ayon sa senador, ang higit pang paghina ng piso ay nagbabantang magpalala sa inflation sa pamamagitan ng pagpapataas ng presyo ng mga inaangkat na produkto, kabilang ang langis at bigas.

About The Author