![]()
Maraming residente ng Maynila ang humabol sa huling araw ng voter registration na isinagawa ng Commission on Elections o COMELEC sa mga mall na itinakdang satellite registration sites.
Maagang pumila ang ilang aplikante upang makapagparehistro, makapagpalipat, at makapag-update ng kanilang voter information bago matapos ang registration period.
Nagtalaga naman ng magkakahiwalay na distrito sa bawat registration site upang maging maayos ang daloy ng mga aplikante at maiwasan ang pagsisiksikan.
Tumagal ang registration mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Nauna nang sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na wala nang magiging extension sa voter registration na nagsimula pa noong Oktubre 2025.
