![]()
AMINADO si Senador Erwin Tulfo na nabahala siya sa sinapit ng mga mamamahayag sa naging kaguluhan sa Senado noong May 13.
Iginiit ni Tulfo na malaki ang papel ng mga mamamahayag sa paglalabas ng katotohanan kung ano ang tunay na nangyari sa barilan.
Binigyang-diin ni Tulfo na karamihan sa miyembro ng media na naipit sa putukan ay nakatalaga sa Senate beat at walang sapat na pagsasanay sa police o combat reporting.
Tiyak anyang na-trauma sila dahil sa panganib na hinarap nila sa mga sandaling iyon.
Muling isinusulong ni Tulfo ang pagsasabatas ng Media Workers’ Magna Carta o Senate Bill 249.
Layunin ng panukala na gawing pamantayan ang minimum na sahod, overtime at night shift differential pay, security of tenure, hazard allowance, at mga benepisyo sa insurance, bukod sa iba pa, para sa mga manggagawa sa media.
Ang panukala anya ay hindi lamang tungkol sa pagpapabuti ng pangkabuhayang aspeto ng mga mamamahayag, kundi pagkilala rin sa kanilang dignidad at karapatan habang sila ay nasa frontline upang ipaglaban ang malayanG pamamahayag.
