dzme1530.ph

PITX, HINDI MANININGIL NG TERMINAL FEES SA LOOB NG TATLONG BUWAN SIMULA SA LUNES

Loading

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na waived ang terminal fees para sa public utility vehicles (PUVs) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa loob ng tatlong buwan simula sa Lunes, May 18.

Sinabi ng DOTr na ang waived fees ay para sa mga PUV, kabilang ang city at provincial buses, modern at traditional jeepneys, UV Express at taxis.

Layunin nito na mapagaan ang pasanin ng PUV operators na apektado ng energy crisis na dulot ng kaguluhan sa Middle East, at nagresulta ng paglobo ng presyo ng langis sa bansa.

Sa pagtaya ng ahensya, makatitipid ang PUV operators na gumagamit ng PITX ng nasa 5 million pesos sa susunod na tatlong buwan dahil sa terminal fee exemption.

About The Author