dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA DAHILAN AT LUNAS SA GASTRITIS

Loading

Tumaas ang mga kaso ng Gastritis dahil sa hindi regular na pagkain, sobrang stress, pag-inom ng alak at labis na paggamit ng mga painkiller.

Ang gastritis ay pamamaga ng lining ng sikmura na maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, kabag, at pakiramdam na parating busog kahit kaunti pa lamang ang nakakain.

Ayon sa mga doktor, karaniwan ding sanhi ng kondisyon ang impeksyon mula sa bakteryang Helicobacter pylori o H. pylori na nakaaapekto sa digestive system.

Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang maanghang at mamantikang pagkain, sobrang kape, alak at paninigarilyo upang maiwasan ang paglala ng sakit.

Mahalaga rin ang tamang oras ng pagkain at sapat na pahinga upang mapanatiling malusog ang sikmura.

Nilinaw ng mga eksperto na bagama’t karaniwang nagagamot ang gastritis sa pamamagitan ng gamot at pagbabago sa lifestyle, maaari itong magdulot ng ulcer o pagdurugo sa tiyan kapag pinabayaan.

Pinapayuhan ang mga nakararanas ng matinding pananakit ng tiyan, madalas na pagsusuka, o pagkakaroon ng dugo sa dumi o suka na agad magpakonsulta sa doktor.

About The Author