dzme1530.ph

LUZON AT VISAYAS GRID, ISASAILALIM SA YELLOW AT RED ALERT STATUS

Loading

Isasailalim sa yellow at red alert ang Luzon at Visayas Grid ngayong Biyernes ng hapon hanggang gabi.

Ito ay dahil sa forced outage ng ilang power plants na sinabayan ng mataas na demand sa gitna ng hot dry season weather.

Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, mararamdaman ang yellow alert mula 1 p.m. hanggang 3 p.m. na susundan ng red alert mula 3 p.m. hanggang 10 p.m.

Susundan din uli ito ng panibagong yellow alert mula 10 p.m. hanggang 11 p.m.

Sinabi ng NGCP na malaki ang posibilidad na magpatupad ng rotational power interruptions sa mga oras na ito.

About The Author