![]()
Kinumpirma ng NBI na may nakita silang “reasonable certainty of conviction” laban kay VP Sara Duterte dahil sa inciting to sedition at multiple counts of grave threats na ginawa nito noong November 23, 2024.
Isinumite ng NBI ang affidavit sa isinagawang imbestigasyon sa bantang pagpa-assassinate sa Pangulo, First Lady, former speaker at isinagawang press conference.
Ayon kay NBI Atty. Yentel Malicad, na-stablished ng bureau ang three elements of inciding to sedition.
Una, si VP Sara ay hindi direct participant sa act of sedition.
Ikalawa, na sinabi niya talaga ang mga katagang seditious; at ikatlo, na ang mga pahayag ay ginawa sa paraan ng talumpati.
Una nang sinabi ni NBI Agent John Mark Calilung na verified at authenticated rin ang video at online press conference para masiguro ang accuracy nito, hindi altered ang recording, hindi na-edit, splice, o artificial intelligence generation.
Inusisa naman ni Rep. Chel Diokno sa NBI kung na-identify na nila ang kinausap na assassin ni VP Sara.
Tugon naman ni NBI Anti-Cybercrime Division Chief Jeremy Lotoc, hindi niya maaaring isiwalat ang specific details ng isinagawang imbestigasyon, pero naniniwala umano ang bureau na ang taong nabangit ng bise presidente ay ‘one and desame individual.’
