![]()
KINUMPIRMA ni Senador Risa Hontiveros na seryoso niyang ikinukunsidera at pinaghahandaan ang kandidatura sa pagka-Pangulo sa 2028 national elections.
Ito ay matapos ang anunsyo ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na wala siyang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028.
Iginiit ng senador na iginagalang niya ang kagustuhan ni Robredo na manatili sa Naga City.
Sinabi ni Hontiveros na paulit-ulit na niyang sinasabi sa tuwing matatanong na handa siya at sa ngayon ay seryoso niyang pinagiisipan ang pagtakbo sa pampanguluhang halalan.
Tiniyak din ni Hontiveros na patuloy silang kikilos upang magkaisa ang lahat ng mga grupong nagsusulong ng mga programa para sa ikabubuti ng bansa.
