dzme1530.ph

HOUSING PAYMENT RELIEF, IPINATUTUPAD SA GITNA NG ENERGY CRISIS

Loading

Ipinapatupad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang shelter-related financial relief programs.
 
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang epekto ng Middle East crisis sa mga pamilyang Pilipino.
 
Sinabi ng DHSUD na kabilang sa kanilang financial relief ang tatlong buwang moratorium sa bayarin sa pabahay sa ilalim ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC).
 
Automatic na saklaw ng programa ang three-month period simula May 1 hanggang July 31, nang hindi na kailangan pang mag-file ng aplikasyon.
 
Nasa 50,000 member-beneficiaries ang makikinabang sa moratorium, kung saan suspendido muna ang pagbabayad nila ng amortization nang walang penalties o additional interest.

About The Author