![]()
Pinalalakas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang back-end systems ng eGov PH upang maiwasan ang mga problema sa downtime na dulot ng pagdagsa ng mga gumagamit.
Sinabi ng DICT na ina-upgrade nila ang kanilang servers at nagdaragdag ng cloud capacity para sa mas mataas na demand.
Idinagdag ng ICT department na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak na ang kanilang systems ay stable at properly integrated sa platform.
Noong nakaraang linggo ay nilinaw ng ahensya na ang temporary downtime o pagbaba sa pag-access sa eGov PH app ay hindi dahil sa anumang security incident.
Dulot umano ito ng maraming bilang ng sabay-sabay na transaksyon sa platform, subalit walang dapat ikabahala.
