dzme1530.ph

VP SARA, KAILANGANG DUMALO SA MGA PAGDINIG NG JUSTICE PANEL, AYON SA ILANG LEGAL EXPERT

Loading

Ilang legal expert ang nagsabi na kailangan ng dumalo sa mga pagdinig ng House Committee on Justice si VP Sara Duterte.
 
Ayon kay former IBP national president at constitutional expert Atty. Domingo Cayosa, panahon na para humarap at panumpaan ng bise presidente ang kanyang mga sinasabi gaya ng ginawa ni Ramil Madriaga.
 
Napakadali umano kay VP Sara na pabulaanan ang mga bintang sa social media dahil hindi ito under oath.
 
Mataas umano ang pagpapahalaga sa testimonya ni Madriaga dahil under oath ito dahil kung gawa-gawa lang pwede siyang kasuhan ng perjury.
 
Ganyan din ang sinabi ni Atty. Mel Sta Maria, former Dean ng FEU College of Law.
 
Ayon kay Dean Sta Maria, wala ng ibang pwedeng magpaliwanag
sa mga naging akusasyon ni Ramil Madriaga kundi si VP Duterte lamang.
 
Pagkakataon din aniya ito sa inaakusahan na masabi nya under oath ang kanyang depensa at saloobin sa mga bintang.

About The Author