![]()
Maikukunsidera na bilang star witness sa Senate trial si Ramil Madriaga, dahil isinumite nitong waiver sa bank secrecy law.
Sinabi ni La Union Rep. at Deputy Speaker Paolo Ortega V, sa ginawa ni Madriaga nagbago ang lahat dahil naging very credible witness ito.
Para kay Ortega, sa ipinakitang kahandaan ni Madriaga na mag-tell all at mag-open all ay matibay na basehan na kaya niyang patuna-yan ang lahat ng kanyang sinasabi.
Sa kanyang supplemental affidavit sinabi nito na ginamit ang pangalan nya bilang dummy sa ilang bank accounts, doon umano magagamit ang isinimute nitong waiver dahil pwee nang sundan hindi lang ang tao kundi maging ang naging daloy ng pera.
Ilan sa mga bank accounts na ipinangalan sa kanya ay tatlong sa China Bank na pawang sa Makati ang branch, PNP Makati Metropolitan Ave. Branch, isa sa hindi pa matukoy na bangko sa pasig City at gayun din sa Lubao, Pampanga.
May buong checkbooks din umano ang pinapirmahan sa kanya kung saan ang payees at halaga ay pawang blangko.
