dzme1530.ph

PAGPAPATUPAD NG DIESEL PRICE CAP SA LOOB NG ANIM NA BUWAN, INIREKOMENDA

Loading

Inirekomenda ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar ‘Egay’ Erice ang pagpapatupad ng diesel price cap at isubsidiya ng gobyerno ang sobrang presyo.
 
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Erice na sa pamamagitan nito ay matitiyak ang paggalaw ng ekonomiya at hindi tataas ang inflation sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Sa panukala ni Erice, tatagal ng anim na buwan ang price cap at subsidiya sa diesel.
 
Naglatag din si Erice ng mga paraan kung saan kukunin ang halos 400 billion pesos na kakailanganin para sa kanyang panukala.
 
Kabilang na rito ang pagtigil ng mga proyektong hindi kinakailangan, pagtitipid sa operating expenses ng gobyerno, paggamit ng windfall sa VAT, paghahanap ng ibang pagkakakitaan at pag-utang.

About The Author