dzme1530.ph

PBBM, NAGBUHAT NG BIGAS SA PAGLULUNSAD NG BIYAYANG BIGAS PARA SA MAYNILA

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pamamahagi ng bigas sa lungsod ng Maynila bilang bahagi ng hakbangin ng gobyerno na matulungan ang mamamayan sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Personal pang nagbuhat si Pangulong Marcos ng mga sako ng bigas sa pagbibigay sa mga benepisyaryo.
 
Sa gitna ito ng naglabasang impormasyon na malala ang sakit ng Pangulo na una na ring tinawag na fake news ng Malacañang.
 
Una na ring ipinakita ng punong ehekutibo na nasa maayos siyang kondisyon nang mag-jogging at mag-jumping jacks pa sa harap ng media.
 
Ang distribusyon ng Pangulo at ng lokal na pamahalaan ay bahagi ng Biyayang Bigas para sa Maynila na target ayudahan ang may 80,000 na pamilya sa lungsod.
 
Nakapaloob din sa programa ang anim na buwang relief para sa transport at service sector workers.
 
Pinondohan ng 286 million pesos ang programa sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units program ng Office of the President.

About The Author