![]()
Hindi ang service contracting program ang sagot sa problema ng transport sector sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni PISTON National President Mody Floranda, maraming mga operator at driver ang nag-aalangan na sumali sa programa.
Kasabay nito, sinabi ni Floranda na naghahanda na rin ang kanilang grupo para sa mas malawakang protesta sa Araw ng mga Manggagawa.
Muli nilang ipinapanawagan ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law, pagbabasura sa excise tax at VAT sa produktong petrolyo, at pagsusulong ng nakabubuhay na sahod.
Kinontra rin ni Floranda ang sinasabing dahilan ng gobyerno na mayayaman ang makikinabang kung tatanggalin ang excise tax sa diesel at gasolina.
