dzme1530.ph

MILYONG PINOY NA NASA MIDDLE CLASS CATEGORY, NANGANGANIB BUMAGSAK SA POOR CATEGORY

Loading

Nanganganib na bumagsak sa “poor category” ang milyong Pilipino na ngayon ay nasa kategorya ng “middle class.”
Sa third meeting ng lead committee, sinabi ni Ways and Means panel chairman Miro Quimbo na milyong middle class Filipinos ang tinamaan ng husto sa pagsipa ng fuel prices.
Walang duda na meron umanong supply, ang problema ay kaya pa ba ang presyo nito.
Aniya, “Tumataas ang presyo ng langis, ang presyo ng pagkain, at unti-unti nababawasan ang kakayahang bumili ang mamamayan.”
At sa gitna nito, may isang sektor na kadalasan hindi saklaw ng ayuda kahit sila ay lunod na sa pagtaas ng bilihin.
Binigyang-diin naman ni Cong. Rufus Rodriguez na 45% ng populasyon ng bansa ay classified bilang middle class, 1.5% ang “rich class,” habang ang natitira ay pawang “poor.”
Kinontra din ni Quimbo ang claim ni Usec. Karl Fermin Andriano na kaya hindi nasama ang krudo at gasolina sa excise tax cut ay dahil maliit na sektor lamang ang makikinabang nito.
Aniya, ang totoong banta ng krisis na ito ay ang “creeping impact” sa domestic economy.

About The Author