dzme1530.ph

PANIBAGONG ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, POSIBLE SA SUSUNOD NA LINGGO, AYON SA DOE

Loading

Posibleng asahan ng mga motorista at consumers ang panibagong round ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito, ayon kay Energy Undersecretary Alessandro Sales, matapos maobserbahan ng ahensya ang downtrend sa presyo, batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) sa nakalipas na dalawang araw.

Kung magpapatuloy aniya ito, ay mas makikita ang stable na presyo at panibagong rollback.

Inihayag naman ni Energy Secretary Sharon Garin na kailangang i-monitor ng ahensya ang galaw ng MOPS sa natitirang bahagi ng linggo para magkaroon ng mas accurate projection.

About The Author