![]()
PINALALABAS na ni Senate Committee on Agriculture Chairman Kiko Pangilinan sa Department of Agriculture ang hindi pa nagagamit na pondo noong 2025.
Sa tala, ang unused budget ng ahensya ay nasa P18 billion o P8 billion mula sa unobligated 2025 continuing appropriations at P10 billion na unreleased na budget sa farm-to-market road appropriations na maaaring gamitin sa fuel at fertilizer subsidies ng mga magsasaka at mga mangingisda.
Nanghihinayang si Pangilinan na mayroon naman pondo na pwedeng magamit pantulong sa mga magsasaka at mga mangingisda subalit hindi agad ginagamit.
Kinalampag ni Pangilinan ang DA na madaliin ang pagtukoy sa pondo na maaaring i-realign o ilipat dahil lubhang nangangailangan ng suporta ang ating local production at para makatulong na rin na mapatatag ang presyo ng pagkain at mabawasan ang pagiging dependent ng Pilipinas sa pag-iimport ngayong kritikal na panahon.
Idinagdag ng mambabatas na hindi na kakayanin pa ng mga magsasaka at mga mangingisda na maghintay at sa panahon ngayon, bawat piso ay mahalaga para maprotektahan ang mga mamimiling Pilipino.
