dzme1530.ph

AKSYON NG GOBYERNO SA OIL PRICE HIKE, KINUWESTYON NG ECOP

Loading

Kinuwestyon ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP ang umano’y kakulangan sa aksyon ng pamahalaan sa biglaang pagtaas ng presyo ng langis.
 
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., nakapagtataka ang price hike ng oil companies gayong may umiiral pa umanong mas murang stock, ilang araw pa lamang matapos sumiklab ang tensyon sa Middle East.
 
Dahil dito, napilitan ang gobyerno na gumastos ng bilyun-bilyong piso para sa ayuda, partikular sa sektor ng transportasyon.
 
Iginiit din ni Ortiz-Luis na hindi ramdam ang tamang rollback kahit bumaba na ang presyo ng langis sa world market.
 
Gayunpaman, suportado niya ang hakbang ng Department of Energy na “unbundling” upang maging malinaw ang presyo.
 
Aminado rin ang ECOP na lubhang apektado ang maliliit na negosyo, at hindi sapat ang kasalukuyang programa ng pamahalaan dahil panandalian lamang ang epekto nito.

About The Author