dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, dinala sa ICC detention clinic, ayon kay Atty. Harry Roque

Loading

Dinala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa clinic ng detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, upang mabantayan ang kanyang kondisyon, ayon kay dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque.

Sa virtual press conference, sinabi ni Roque na kabilang sa legal team ni Duterte, na na-deliver na sa The Hague ang totoong mga gamot ng dating Pangulo, kasama pati reseta.

Gayunman, tumanggi ang abogado na isiwalat ang medical condition ng kanyang kliyente.

Inihayag ni Roque na nagkaproblema dahil nagkulang ng gamot si Duterte at base sa kanyang narinig ay binigyan ito ng substitute medicine ng mga doktor.

Bukod sa mga gamot, dinalhan din aniya ang dating Pangulo ng tsinelas at medyas, at pinagbigyan din ang meal request nito na kanin, bukod sa Dutch food.

About The Author