dzme1530.ph

Pagdinig ng Senado sa isyu ng pag-aresto kay FPRRD, dapat maging daan ng pagkakasundo-sundo ng mga Pilipino

Loading

Umaasa si Senate President Francis “Chiz” Escudero na maging daan para sa paghihilom at pagkakaisa ng bansa ang isasagawang pagdinig ni Sen. Imee Marcos kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Escudero na sana ay hindi magresulta sa higit pang pagkakawatak-watak ang pagdinig na itinakda sa Huwebes.

Ipinaliwanag ng senate leader na kung ang inaalala ni Marcos ay lumalalang pagkakawatak-watak ng bansa matapos na arestuhin at ibigay sa International Criminal Court ang dating Pangulo, umaasa siyang magiging daan ang hearing para maibsan at mapigilan ang higit pang pagkakahat hati ng Sambayanang Pilipino

Sinabi ni Escudero na sang ayon siya sa gagawing pagdinig kung ang intensyon ay buuin muli ang bansa.

About The Author