Iniulat ng United States ang kauna-unahang outbreak ng nakamamatay na H7N9 bird flu sa poultry farm simula noong 2017.
Ang pagkalat ng Avian Influenza na karaniwang tinatawag na bird flu, ay nakaapekto na sa buong mundo, sa pamamagitan ng pagbaba ng supply na nagresulta pagtaas ng presyo ng pagkain.
Kumakalat ang naturang sakit sa mammals, kabilang sa dairy cows sa US, dahilan upang mabahala ang mga pamahalaan sa panganib ng panibagong pandemic.
Matatandaan na ang strain na nagdulot ng malaking pinsala sa poultry sa mga nakalipas na taon at sa pagkamatay ng isang indibidwal sa US, ay H5N1.
Gayunman, ayon sa World Health Organization, ang H7N9 bird flu virus ay napatunayan na mas mataas ang death rate, na pumatay ng halos 40% ng humans infected simula nang una itong na-detect noong 2013.