![]()
Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang oil companies na magsumite ng monthly information sa fuel costs.
Kaugnay ito sa suspension ng excise taxes sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene na magbibigay ng direktang ginhawa sa mga pamilyang Pilipino sa gitna ng tumaas na global oil prices.
Noong Biyernes ay naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 125, Series of 2026, na nagsususpendi sa koleksyon ng excise taxes ng LPG at kerosene.
Sa ilalim ng EO 125, rerebyuhin ng Development Budget and Coordination Committee (DBCC), sa pakikipagtulungan ng DOE, ang excise tax suspension kada buwan at maaari nilang irekomenda ang continuation, modification, extension, o termination sa Pangulo.
Para suportahan ang review, sinabi ng DOE na oobligahin nila ang oil companies na magsumite ng monthly information sa cost components ng saklaw na petroleum products at magbigay ng kinakailangang impormasyon sa DBCC at Kongreso, alinsunod sa R.A. 12316.
